Default Thumbnail

Misis tiklo matapos hindi sumipot sa korte

November 4, 2022 Jonjon Reyes 340 views

INARESTO ng mga operatiba ng MPD Malate Police station,ang isang babae dahil sa hindi nito pagsipot sa kanyang mga court hearing sa korte sa kasong ilegal na droga sa bisa ng arrest warrant sa Malate, Maynila Huwebes ng hapon.

Ang suspek ay may asawa at residente ng Molino, Bacoor,City.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Salvador Tangdol, commander ng Manila Police District (MPD) Malate Police Station 9, pasado alas 5:15 ng hapon, nang arestuhin ang ginang sa Mabini Street, malapit sa panulukan ng Quirino Avenue, Malate Maynila.

Naging tagumpay ang pag-aresto sa suspek matapos ang taimtim na pagsubaybay ng MPD at matapos mapabilang rin ito sa “most wanted person” sa Makati City dahil sa pag-isnab nitp sa pagdinig ng korte matapos umano mahulihan ito ng shabu.

Matapos na magpositibo sa pagtunton sa ginang, agad na iniutos ni Tangdol P/Maj. Salvador Iñigo Jr., hepe ng Intelligence Unit at kay P/Lt. Demie Baquiran ng Station Warrant Section na tumulong sa operasyon.

Isinilbi ang arrest warrant sa suspek na inisyu ni Presiding Judge Jacob Macalla Montesa ll, ng Regional Trial Court Branch 63 ng Makati City, matapos mataan ang ginang na sasakay na sana jeep bago mahuli.

Gayunman, may inilaang piyansang P40,000 ang korte sa pansamantalang paglaya ng suspek.

AUTHOR PROFILE