Vic Reyes

Mga milagro sa aduana dapat matigil na

March 20, 2024 Vic Reyes 119 views

UMAASA tayo na mababawasan na ng malaki ang bilang ng mga ‘milagro’ sa aduana.

Sa tingin ng marami, kasama na ang inyong lingkod, na imposible namang matitigil ang lahat ng mga “milagro” sa tinatawag na “snake-infested waterfront.”

Panahon pa ni “Mahoma” ay nandiyan na ang graft and corruption sa ibat-ibang government offices and agencies.

Marami na ngang natanggal sa serbisyo at nakulong pa, pero nandiyan pa rin ang korapsyon at katiwalaan sa gobyerno.

Ang maganda lang ay tuloy-tuloy ang kampanya laban sa graft and corruption.

Sa totoo lang ay priority ni Bureau of Customs (BOC) Chairman Bienvenido Y. Rubio ang paglaban sa katiwalian at korapsyon.

Alam niya na napakalaki ang epekto ng mga ito sa tax collection performance ng ahensya.

Kesa mapunta sa kaban ng gobyerno ay napupunta lang sa malalalim na bulsa ng mga tiwaling opisyal at kawani ng BOC kung nandiyan pa rin ang mga kalokohan sa aduana.

Kailangang matigil o mabawasan man lang ang outright smuggling at technical smuggling.

Dahil sa kakulangan tauhan at barko ay nahihirapan ang BOC na patigilin ang outright smuggling.

Ang technical smuggling naman ay kailangan ng mga ismagler ang tulong ng ilang tiwaling p[ersonnel ng ahensya.

Kaya ang kailangan ay bantayang mabuti ni Commissioner Rubio ang kilos ng mga taong dinadaanan ng mga dumarating na shipment.

Kung maari lang ay dumaan sa regular na lifestyle check ang mga empleyadong ito para malaman kung bigla silang yumaman.

O magkaroon ng mga undercover agent si Commissioner Rubio para bantayan ang mga transaksyon sa aduana.

Nandiyan naman ang Intelligence Group ng ahensya.

****

Ngayon ay ramdam na ng maraming Pilipino, lalo na ang mga magsasaka, ang masamang epekto ng El Nino phenomenon,

Nalanta na ang kanilang mga pananim na palay, mais at mga gulay dahil sa kawalan ng ulan nitong mga nakaraang buwan. .

Summer na at nandiyan pa ang El Nino. Krisis talaga ang aabutin ng mga kawawang magsasaka sa bansa.

Ginagawa namang lahat ng mga otoridad para matulungan ang mga apektadong pamilya kahit kulang na kulang ang ating financial resources.

Ang maganda lang ay kaibigan natin sa labas ng bansa ay tumutulong na rin para maibsan ang hirap natin.

Pero iba kapag kalikasan na ang ating kalaban. Ibang laban ito.

Sana nga mapaaga ang pagdating ng tag-ulan sa Pilipinas.

Ang problema naman ay handa ba tayo sa pagdating ng malalakas na pag-ulan na magpapalubog naman sa maraming parte ng bansa?

AUTHOR PROFILE