Default Thumbnail

Mentally-challenged na kelot patay sa sunog sa Zambo City

February 24, 2023 Zaida I. Delos Reyes 211 views

PATAY ang isang lalaki na “mentally-challenged” matapos na makulong sa nasusunog na bahay nitong Huwebes ng gabi sa Zamboanga City.

Batay sa inisyal na ulat ng Police Regional Office (PRO) 9 naganap ang sunog dakong 8:00 ng gabi (Pebrero 23) sa Zone 4, Barangay Lumbanvan, Zamboanga City.

Nasunog umano ang bahay kasama ang biktima na may “kakulangan sa pag-iisip” umano.

Ayon sa ulat, sinubukan pa ng kapatid ng biktima na iligtas ang huli subalit mabilis na kumalat ang apoy at nilamon ang buong kabahayan kasama ang biktima.

Dakong 8:15 ng gabi ay idineklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) na “fire out” at kontrolado na ang sunog.

Umabot sa P150,000 halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Villa Funeral Homes para sa kaukulang disposisyon.