Default Thumbnail

Miyembro ng ‘crime gang’ timbog sa Biñan

February 24, 2023 Gil Aman 263 views

ISA sa mga miyembro ng “Marvin Paguio Crime Group” ang bumagsak sa kamay ng pulisya kasabay sa pagkakumpiska ng shabu sa isinagawang anti-illegal drug operation ng elemento ng Biñan City Police kahapon ng madaling araw sa Sitio Wawa, Barangay Malaban, Biñan City, Laguna.

Ayon kay P/Lt. Col. Virgilio Jopia, hepe ng Biñan Police, ang inarestong lalaki ay suspek “tulak” umano ng ilegal na droga sa kanilang lugar at karatig na mga barangay.

Sa isinagawang buy-bust operation ng operatiba ng pulisya dakong alas 4:20 ng umaga, nabawi mula sa suspek ang aabot sa 2.5 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P16,250, marked money, coin purse, at P300 cash.

Kasalukuyang nakapiit sa Biñan City jail ang suspek na nakatakdang sampahan ng kaso ng Biñan Police sa paglabag sa illegal drugs at isasailaim sa drug examination sa crime laboratory ang mga nakalap na ebidensiya.

AUTHOR PROFILE