daza

Mayor Isko inendorso ng isang malaking QC political bloc

September 25, 2021 Ryan Ponce Pacpaco 667 views

INENDORSO ng isang malaking grupo ng political leaders sa vote-rich Quezon City na pinangungunahan ni dating 4th District Rep. Nanette Castelo Daza ang presidential bid ni Manila City Mayor Isko Moreno.

“We believe in the capability of Mayor Isko to lead the country. He will be a unifying President the country needs amid a pandemic we all have been suffering from for almost two years now without an end in sight,” ani Daza.

Sinabi ni Daza na bilib ang kanilang grupo kay Moreno dahil sa pagiging “youth and dynamism, and his aksyon agad and clean track record.”

“We have not heard of any allegation of corruption against him, unlike others in government,” ani Castelo.

Kabilang sa kasama ni Daza sa grupo sina Councilor Imee Rillo, dating Councilors Marvin Rillo, Rachel Malangen at Jem Castelo.

Sasama naman ang nangungunang congressional candidate sa District 4 at dating Councilor Marvin Rillo sa grupo ni Moreno.

Naunang sumanib sa puwersa ni Moreno sina dating Councilors Ariel Inton, Dante De Guzman at Rommel Abesamis.

Tumatayo si Nanette Castelo bilang lead convener sa Quezon City ng Ikaw Muna Pilipinas, isang pambansang koalisyon ng mga sumusuporta kay Moreno.

Hinimok ni Daza at kanyang grupo ang ilang nakaupo at maging mga dating pampublikong opisyal ng Quezon City na sumama sa kanilang hanay.

Kabilang sa kanilang potensiyal na makuhang sumanib sa grupo sina dating Councilors Roderick Paulate at Martin Leachon ng District 2, Mutya Castelo ng District 5, at Karl Paguio ng District 6, at iba pa.

AUTHOR PROFILE