Isko & Lacuna Si Manila Mayor Isko Moreno kasama si Manila Vice Mayor Honey Lacuna at Manila 3rd District Rep.Yul Servo. Kuha ni JON-JON REYES

Lacuna, Servo: Proyekto ni Isko ipagpapatuloy

September 25, 2021 Francis Naguit 498 views

UPANG mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng Maynila at mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan nangako sina ipagpapatuloy Vice Mayor Honey Lacuna , na tatakbong Manila mayor sa 2022, at ang kanyang vice mayal running mate na si Manila 3rd District Rep.Yul Servo na ipagpapatulou nila ang mga proyektong sinimulan ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno.

Binitawan ni Lacuna at Servo ang kanilang pangako matapos na magdeklarang tatakbo naman sa pagkapangulo ng Pilipinas si Moreno sa 2022 national elections.

Kabilang sa mga proyektong ipagpapatuloy ng Lacuna-Servo tandem sa Maynila ay ang mga pabahay sa Tondominium, Binondominium, San Sebastian Condominium at sa Pedro Gil, ang Hospital ng Maynila at ang Manila Zoo renovation.

“Hindi po kami titigil na tupdin ang ating layunin na magkaroon ng mas maaliwalas at mas lalong pagandahin at paunlarin ang ating lungsod. Isusulong ng Lacuna-Servo tandem ang Asenso Manilenyo sa Lungsod ng Maynila,” ani Lacuna.

Ayon naman kay Servo, patuloy silang mamahagi at magpapaabot ng tulong sa mga mamamayan.

“Kahit na hindi natin ka distrito kami ay nakahandang tumulong sa mga nangangailangan sa ating lungsod. Namahagi tayo ng bigas at de lata sa mga pamilyang nasunugan sa Barangay 500 na ginanap sa District 4 Sampaloc, Manila noong ika-24 ng Setyembre, 2021,” ani Servo.

Nanawagan din si Servo na magtulungan at magkaisa ang lahat upang makabangon sa mga sakuna at ngayong pandemya,

Pinaalalahanan nina Lacuna at Servo ang lahat na panatilihing magsuot ng face mask, laging mag hugas ng kamay at sundin ang pinapairal na health protocols at social distancing upang maiwasan magkasakit ng COVID-19.

Sinabi naman ni Morenk sa kanyang pormal na pagdedeklara ng kanyang kandidatura sa pagkapangulo para sa 2022 na tiwala siyang nasa mabuting kamay ang Maynila sa pamamahala ni Lacuna at Servo.

“Alam kong kayang-kaya nilang ipagpatuloy ang ating mga nasimulan ko sa lungsod nang Maynila dahil para ating ito mga Batang Maynila,” ani Moreno. Nina FRANCIS NAGUIT & GIL AMAN

AUTHOR PROFILE