Lacuna Sina Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at Vice Mayor Yul Servo sa unang araw ng muling pagbubukas ng Manila Zoo nitong Lunes. Ang inayos na zoo sa lungsod ay bukas mula 9:00 a.m. hanggang 8:00 p.m. araw-araw. Kuha ni Jon-jon Reyes

Mayor Honey, VM Yul Servo, nagtungo sa Manila Zoo reopening

November 21, 2022 Edd Reyes 322 views

Lacuna1

SA kabila ng manaka-nakang pagbuhos ng ulan, dagsa pa rin ang bumisita sa unang araw ng opisyal na pagbubukas ng Manila Zoo, Lunes ng umaga.

Karamihan sa mga nagtungo ng maaga sa pagbubukas ng zoo ay ang mga nakabili na ng kanilang entrance ticket sa pamamagitan ng online habang may pumila rin ng mga walk-in visitors.

Personal ding nagsagawang muli ng pagi-inspeksiyon sina Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto sa pagbubukas ng Manila Zoo upang alamin kung may iba pang dapat na baguhin o idagdag na panuntunan upang hindi mahirapan ang mga nagnanais magtungo rito.

Pinangunahan din ng alkalde ang pag-alalay sa mga may kapansanan na maagang pumila.

“So we need to balance it. This is at pinasakay sila sa electric vehicle na umiikot sa loob ng zoo upang hindi mahirapan ang kanilang mga alalay sa pagtutulak ng kanilang wheel chair,” ani Lacuna-Pangan.

Nauna rito’y idinepensa ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, ang pagtaas ng bayad sa pagbisita sa Manila Zoo na aniya ay kinakailangan upang mapangalagaang mabuti ang mga hayop sa loob nito.

Kumpara aniya kasi sa ibang mga zoo, ang Manila Zoo ay maaaring ihanay sa Clark Safari na higit na mas mataas ang entrance fee.

“This is not for profit eh, this is for maintenance,” giit pa ng tagapagsalita ni Manila Mayor Honey.

Batay sa inilabas na abiso ng lokal na pamahalaan, ang admission fee para sa mga residente ng Maynila ay P150 habang P300 naman sa mga hindi taga-lungsod. Ang mga estudyante sa Maynila ay P100 at P200 naman sa mga estudyanteng hindi naninirahan sa lungsod.

Ang mga senior citizen at PWDs (person with disabilities) naman ay mayroon ding diskuwento na kahalintulad ng kanilang tinatamasa sa pagbili ng pangunahing bilihin habang ang mga batang may edad na dalawa pababa ay libre na sa pagpasok.

Kabilang naman sa mga bagong atraksiyon sa loob ng Manila Zoo ang animal museum, botanical garden, hardin ng mga paru-paro, food court, children’s park at mahigit s 500 iba’t-ibang uri ng mga mababangis at maamong hayop.

AUTHOR PROFILE