Default Thumbnail

Mayor Honey, UdM prexy, pinuri pumasa sa social workers exam

September 29, 2022 Edd Reyes 249 views

Matapos makamit ang 77.14% passing rate

BINIGYANG papuri ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang mga nagtapos na estudyante ng Universidad de Manila (UdM) College of Arts and Sciences na nagkamit ng mas mataas pa sa itinakdang antas na grado sa nakaraang Social Worker Licensure Examination.

Ang UdM ay isa sa dalawang pamantasang pinangangasiwaan at pinatatakbo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, bukod pa sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Mismong si UdM President Dr. Ma. Felma Carlos-Tria ang nag-anunsyo na ang mga nagtapos na estudyante sa kanilang College of Arts and Sciences ay nakakuha ng 77.14 na kabuuang porsiyento sa pangkalahatang antas ng pagpasa batay sa resulta ng ginanap na pagsusulit nito lamang kasalukuyang buwan ng Setyembre.

Tulad ni Mayor Honey Lacuna, ipinaabot din ni Dr. Carlos-Tria ang kanyang malugod na pagbati sa mga bagong social worker kasabay ng pagkilala sa kanilang pagpupursige at determinasyon habang nag-aaral ng kanilang kurso sa UdM.

“UdM has been in pursuit of greater academic standing, and recognitions as such prove the quality of education our faculty provides to our students [throughout] consistent efforts in developing competitive and relevant teaching standards,” pahayag pa ni Dr. Carlos-Tria.

“I congratulate this year’s passers; we can only provide as much, and it is your persistence and determination that positioned your lives in such honorable milestones,” dagdag pa niya.

Batay sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission (PRC), 2,955 mula sa kabuuang 4,723 na kumuha ng pagsusulit ang nakapasa sa Licensure Exam for Social Workers na isinagawa noong Setyembre 19 hanggang 21, 2022.

AUTHOR PROFILE