Default Thumbnail

Misis kinatay ni mister sa harap ng anak!

September 29, 2022 Melnie Ragasa-limena 344 views

ISANG ginang ang nilaslas ang leeg umano ng kaniyang mister sa harap ng kanilang anak diumano dahil sa matinding selos.

Ang biktima ay nakilalang si Genalyn Butron Dequina, 36, make-up artist, at residente ng 7 Apitong St., Bgry. Capri, Novaliches, Quezon City.

Kusang loob namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Patricio Ortega Dequina, Jr., 39, technician, at tubong Cadiz, Negros Occidental.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 10 a.m. September 28) nang maganap ang insidente sa loob ng tahanan ng biktima sa nasabing barangay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni Pat Jordan A. Barbado, bandang 9 a.m. ay nagtall ang mag-asawa sa harapan ng kanilang anak.

Pinagbintangan umano ang misis na may ibang karelasyon.

Sa gitna ng pagtatalo, sinabunutan umano ng suspek ang misis saka isinubsob ang mukha nito sa sahig nang ilang ulit.

Umiiyak na inaawat ni anak ang ama subalit patuloy pa rin umano ang suspek sa pananakit sa biktima sa pamamamgitan nang pagsipa, pagsuntok sa dibdib, at pagsakal sa leeg gamit ang kable ng plantsa.

Dumampot umamo ng kutsilyo ang suspek at nilaslas ang leeg ng biktima.

Nang duguang bumulagta ang misis ay hinugasan pa umano ng suspek ang kutsilyong ginamit bago nagtungo sa mga awtoridad at boluntaryong sumuko.

Inihahanda na ang kasong parricide laban sa suspek.