Lacuna1

Mayor Honey: No F2F classes sa Maynila Huwebes, Biyernes

April 24, 2024 Edd Reyes 95 views

SINUSPINDE ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang face-to-face (F2F) classes sa lahat ng antas ng edukasyon sa pribado at pampublikong paaralan sa syudad ngayong Huwebes at Biyernes.

Sa inilabas na circular ni Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng alkalde, nagdesisyon si Mayor Lacuna-Pangan na suspendihing muli ang face-to-face classes dahil sa inaasahang 44°C na init ng panahon.

Batay ang climate forecast sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay Atty. Abante, pinapayuhan ang lahat ng paaralan sa lungsod na mag-asynchronous classes muna bilang pamalit sa face-to-face.

AUTHOR PROFILE