Posas

GRO hinalay ng 2 tropa; 2 suspek arestado

April 24, 2024 Melnie Ragasa-limena 108 views

INIREKLAMO ng 26-anyos na guest relation officer (GRO) ang dalawa niyang kaibigan na nanghalay sa kanya habang lasing siya sa KTV bar sa Quezon City noong Martes.

Kinilala ang mga suspek sa mga alias na Dodong, 31, at Jay R, 31, parehong tricycle driver, at nakatira sa Brgy. Socorro, Cubao, Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD), Cubao Police Station 7, bandang alas-5:30 ng umaga nangyari ang insidente sa loob ng KTV bar sa Cubao.

Batay sa imbestigasyon ni P/SSg Madilyn Habawel ng Women and Children Protection Desk, bandang alas-2:44 ng madaling araw nakipag-inuman ang biktima na nakilalang si alyas Elsa, 26, sa dalawang suspek.

Nang malasing, nagsabi ang biktima na matutulog muna siya. Pag gising niya, wala ng saplot ang kalahati niyang katawan at nakita niya si Dodong na hinihipo at nilalaro ang ari nito.

Napabalikwas ang biktima at sinampal ang suspek saka sinabing “Dong ayoko umalis ka na, ‘wag po.”

Gayunpaman, pinasok ng suspek ang kanyang ari at daliri nito sa kaselanan ng biktima na hindi makagulapay dahil sa kalasingan.

Nang mairaos ni Dodong ang pagnanasa iniwan na ang biktima na nawalan na ng malay dahil sa kalasingan.

Bandang alas-8:00 ng umaga, nagising uli ang biktima at nakitang hinahaplos-haplos naman ni Jay-R ang maselang bahagi ng kaniyang katawan.

Nanlaban ang biktima at binalaan si Jay-R na isusumbong sa pulisya dahilan upang tumigil ang ang suspek at lumabas ng KTV room.

Nagsumbong ang biktima sa pulisya at inaresto ang mga suspek.