Default Thumbnail

4 sugatan sa pamamaril sa bar sa Las Pinas

April 24, 2024 Edd Reyes 235 views

AGAW-buhay ang isang babae dahil sa pamamaril ng dalawang lalaki sa bar sa Las Pinas City.

Nasapol pa ng CCTV camera sa loob ng bar ang shooting spree na ikinasugat ng apat na tao na nagsimula lang sa balyahan sa loob ng comfort room ng dalawang grupo ng lalaki.

Lalo pang tumindi ang iringan ng dalawang grupo na humantong na sa pagsisigawan at pagmuumurahan nang makalabas na sa comfort room patungo sa kani-kanilang mga kasamahan.

Nakita rin sa CCTV ang pilit na pagpapakalma ng floor manager ng bar sa dalawang grupo pero lalo pang tumindi ang iringan nang magwala at manakit ang isang babae, nagsisigaw at nagmura sa kalabang grupo.

Dito na iniutos ng isang sa isang alyas Dexter na barilin na ang kairingang grupo.

Nasapol sa ulo ang babae na kasalukuyan pang nasa kritikal na kondisyon habang sugatan ang tatlo pa niyang kasamahan.

Tumakas ang mga suspek na napag-alaman na may kaso na ring frustrated murder ang isa sa kanila.

AUTHOR PROFILE