Mayor Maria Sheila “Honey” Lacuna

Mayor Honey nanguna sa pailaw ng prosperity tree sa Binondo

February 2, 2024 Edd Reyes 168 views

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pagpapailaw ng prosperity tree na hudyat sa pagsisimula ng 2024 Chinese New Year noong Huwebes sa Plaza San Lorenzo Ruiz sa Binondo.

Kasama ng alkalde sina City Administrator Bernardito Ang, District 3 Congressman Atty. Joel Chua, mga konsehal ng ikatlong distrito at Manila Chinatown Development Council Executive Director Willord Chua.

Sinabi ni Mayor Honey Lacuna na ang selebrasyon sa pagsalubong sa Year of the Wood Dragon Chinese New Year ay isang makabuluhang kaganapan.

“The centuries-old relationship between Chinese and Filipinos can be traced back since early part of the 10th century.

In fact, we are celebrating the 430th year of Manila Chinatown, better known as Binondo, the recognized oldest Chinatown in the world.

Undoubtedly, there are many Chinese customs and traditions that we have been accustomed to and are being observed by many Filipinos up to this very day,” pahayag pa ng alkalde.

Hinimok niya ang lahat na bumisita at pumasyal sa Binondo para masaksihan ang mga aktibidad gaya ng fireworks display bilang countdown sa Pebrero 9 at ang solidarity parade.

Ibinahagi naman ni Chua ang pinagmulan ng money tree na aniya ay nagaganap noon pang mga unang panahon.

“May urban legend kung bakit po natin sine-celebrate itong money tree. Noon daw pong unang panahon, may isang napakahirap na tao na laging nagdarasal to give him prosperity in life.

One day, habang siya’y naglalakad, nakakita po siya ng isang magandang puno na kanyang inap-root at iniuwi sa kanyang tahanan hanggang sa ito ay dumami at dito na nagsimulang gumanda ang kanyang buhay at ymaman, kaya simula po noon, naging tradisyon na kapag lunar or Chinese New Year, nagreregalo po ng money tree,” kuwento ng kongresista.

AUTHOR PROFILE