Maris

Maris-Anthony susunod sa DonBelle?

January 18, 2024 Joey Aquino 129 views

TRUE talents shine in the end.

The spotlight is on Maris Racal and Anthony Jennings of ‘Can’t Buy Me Love’. Trending ang dalawa ngayon dahil sa maganda nilang chemistry on screen. They share the limelight with the main leads of the series – Donny Pangilinan and Belle Mariano.

Bumida na rin si Maris sa mini-series na ‘How to Move on in 30 days’, opposite Carlo Aquino. Pero mukhang ngayon lang napansin ang galing niya sa pag-arte. Sa totoo lang, ang galing niya sa kanyang karakter bilang si Irene Tiu, isang spoiled brat, sosyalera at ubod-arteng Chinese. She’s really into her character. Kaya naman trending ang mga eksena niya lalo na pag ka-eksena si Anthony. Ayon kay Gladys Reyes, isa raw si Maris sa pinakamagaling na young actress ngayon. Ito ang pahayag ni Gladys sa vlog ni Maricel Soriano. Nagkasama ang dalawa sa pelikulang ‘Here Comes the Groom’.

Samantala, nakailang project na rin itong si Anthony. Huli niyang project ang action series na ‘The Iron Heart’ ni Richard Gutierrez. Nakitaan ng galing ang young actor sa nasabing serye kaya agad itong nasundan ng isa pang serye. Sa ‘Cant Buy Me Love,’ siya si Snoop, laking Tondo at best friend ni Bingo (played by Donny). Far from his real personality, this Filipino-British actor effectively portrays his character. Kaya naman hit na hit ang kanyang acting performance sa mga viewers ng serye.

Netizens support their team up in the series. At umaasa sila na mabigyan ng follow-up project na sila ang bida. Mukhang mahirap i-sustain ang kanilang tandem at gawin itong love team. Maris is very much in love with Rico Blanco. Kaya wala na kaagad ‘yung illusion na mag-dyowa sila kahit man lang sa screen. But one thing is sure, the stars of Maris and Anthony will shine brighter this year.

Sa mainit na suporta ng netizens sa Snoop-Irene tandem, masusundan kaya nang project ang kanilang teamup? Susugal ba ang Kapamilya network kina Maris at Anthony? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE