Maricel

Maricel at Edu nagsama muli sa isang interview

May 21, 2023 People's Tonight 273 views

NAPUNO ng kilig at ngiti ang isang video ni Diamond Star Maricel Soriano kasama ang dati nitong kasintahan na si Edu Manzano.

Binalikan ng dalawa ang kanilang masasayang alaala noong sila ay magkasama sa mga pelikula noong mga 70s at 80s.

Nakilala ang dalawa sa mga pelikulang Separada, Ama Ina Anak, Babaeng Hampaslupa at iba pa kasama nito ang mga batang aktor at aktres noon na si Angelica Panganiban at Patrick Garcia na ayon kay Edu ay may mga sari-sarili na itong pamilya.

Kinuwento ni Maricel kung paano nagpapakitang gilas noon si Edu sa kaniya. “Basta inatake na rin ito si Edu. Mamaya may parang naghaharana, oo, tapos sino yung kumakanta”

“Pero ang kumakanta, may nagigitara. ‘Yun pala si Edu, nako naka kumbachero [habang sinasayaw ito ni Maricel] sabi n’yang gan’yan.

Tuwang tuwa naman ako kasi alam mo naman ako maliit na bagay tawang-tawa na ako.” Dagdag pa ni Maricel.

Biniro pa ni Edu muli si Maricel na, “Pero marami ‘yon eh, hindi lang naman ‘yung dalawang ‘yan ‘di ba? Ano ayun lang?” Pabirong saad ni Edu sabay tumawa si Maricel.

Habang tumatagal ang kanilang kwentuhan, tinanong naman ni Maricel si Edu kung ano ang kaniyang maipapayo sa kaniyang anak na first time dad na si Luiz Manzano.

“Alam mo naman in the of the day, marami rin naman akong pagkakamali sa maraming bagay. Pero I think I’ve become a successful father.

That’s important to me.” Ani Edu.

Dagdag pa nito, “yung makita mong established na yung anak mo, nakita mo na maganda ang kanilang pundasyon, nakita mo na yung mga buhay noon na wala ka atleast andoon ka palagi.”

At sa pagtatapos ng video, sinabi ni Edu na natuwa at nag-enjoy ito sa kanilang pagsasama muli sa isang video. Mapapanood ang buong video sa Youtube Channel ni Maricel Soriano. PAUL BACON (OJT)

PAUL ANTHONY B. BACON
Student, Kagawaran ng Filipinolohiya
College of Arts and Letters
Polytechnic University of the Philippines
09294949279/09153136216

AUTHOR PROFILE