Yanzi

Marian, itinatanim kay Zia ang kahalagahan ng edukasyon

April 8, 2022 Jun Nardo 362 views

NAKUHANAN ni Zia Dantes, anak ni Marian Rivera, ang moment na kausap niya via Zoom ang mga estudyante ng Learning Tree na naka-post sa kanyang Instagram.

Ibinahagi ni Yan ang kanyang mga karanasan sa buhay ayon na rin sa caption niya sa IG.

“Sana patuloy akong makapagbigay ng inspirasyon sa inyong lahat. Thank you Ate Z for capturing this moment,” saad pa ni Marian sa caption.

Eh, pagdating sa edukasyon, mahalaga ito kay Yan. Bago siya pumasok sa showbiz, graduate si Yan ng college course sa isang school sa Dasmariñas, Cavite.

Kaya naman pagdating kay Zia, itinatanim ni Marian ang kahalagahan ng edukasyon.

SOLO MINI SERIES

DALAWANG afternoon shows ng GMA ang malapit nang magtapos.

Una ay ang Little Princess ni Jo Berry. Kapalit nito ang Raising Mamay ni Ai-Ai de las Alas.

Ending na rin soon ng Prima Donnas 2.

Eh, sa mga susunod na Linggo, mapapanood na si Sofia Pablo sa solo mini series niyang Raya, Sirena with Allen Ansay mula sa Regal Entertainment at GMA.

Ang iba pang bagong Kapuso shows na malapit nang ipalabas ay ang False Positive nina Glaiza de Castro at Xian Lim at ang Bolera nina Kylie Padilla at Rayver Cruz.

AUTHOR PROFILE