Default Thumbnail

Mambabatas binubuhay ‘parking issue’ gimik?

September 15, 2022 People's Tonight 389 views

MATAPOS mawala sa limelight, pilit binubuhay ng isang mambabatas ang nakagawian nitong gimik noon na mag-park ng pondo na mistulang pork barrel.

Kung tutuusin, isa ang mambabatas sa nagpa-uso noon ng park funds dahil malapit siya sa kusina.

Kahit wala at tapos na ang parking ng funds, ginagamit niyang isyu ang sistemang kanilang nakagawian noon para lamang magkaroon ng mas malaking pondo sa badyet sa susunod na taon.

Kaya naman nag-iingay ngayon ang mambabatas para lamang magpapansin at madagdagan ang kanyang pondo kahit batid nitong wala nang ganitong sistema sa bagong administrasyon.

Nais kasi ng pamahalaan na maging maayos at walang katiwian ang paggugol ng pampublikong pondo na pantay-pantay sa lahat ng mga Pilipino.

Maingay at madiskarte talaga ang mambabatas na ito.

“Angaleng.”

AUTHOR PROFILE