Maja

Maja, naglilihi sa maanghang at kay Rambo

December 26, 2023 Vinia Vivar 159 views

Ang mister niyang si Rambo Nuñez ang pinaglilihian ni Maja Salvador na preggy sa kanilang first baby.

Ani Maja, ayaw niyang mahihiwalay sa asawa at ang gusto niya’y lagi silang magkasama.

“Si Rambo talaga, ‘di pa siya umaalis ng bahay, ‘anong oras ka uuwi?’ gano’n. Pero ano, lagi ko lang siyang hinahanap. Lagi ko lang siyang hinahanap-hanap,” sey ni Maja sa panayam ni MJ Marfori.

Kwento pa ng aktres, ‘pag naiiwan siya sa bahay, umiiyak siya kay Rambo.

“Kunwari buong linggo, lalo na nu’ng may Netflix siyang ginagawa, parang super busy siya. Umuuwi siya, umiiyak ako kasi feeling ko, I’m alone. ‘Yung ganu’n,” natatawang tsika ni Maja.

“Pero hindi niya pinapa-feel ‘yun, ha? Siguro, hormones lang,” dagdag pa niya.

Isa pang pinaglilihian ni Maja ay maaanghang na food.

Excited na ang mag-asawa sa pagdating ng kanilang first baby at kahit boy or girl ay okay sa kanila, lalo pa nga’t natupad ang wish nila na maging Dragon baby ito, meaning ipapanganak sa Year of the Dragon next year.

AUTHOR PROFILE