Piolo

PARKING LOT GINAWANG SEMENTERYO SA HALAGANG P1M

December 26, 2023 Vinia Vivar 206 views

Kahit Paskung-Pasko (Dec. 25) ay nag-ikot si Piolo sa mga sinehan sa first day ng Metro Manila Film Festival entry niya na Mallari under Mentorque Productions.

Lagare ang aktor hanggang gabi at dumalo nga rin siya sa block screening for the entertainment press na ginanap sa Cinema 5 ng SM North Edsa.

After watching the film, hindi kami nagtataka kung bakit proud na proud si Papa P sa Mallari. Napakahirap ng role niya bilang tatlong Mallaris (Fr. Juan Severino Mallari in 1812, Johnrey Mallari in 1948 at Dr. Jonathan Mallari sa present time).

Ang husay ni Piolo na nagawa niyang ibahin ang personalidad ng tatlong karakter.

Opening scene pa lang, may patayan na at buong duration ng movie ay mapapatalon ka sa rami ng suspense at thrilling scenes.

Aside from Piolo, JC Santos also gave an outstanding performance bilang deacon na si Lucas. Actually, lahat naman sila ay nagampanan nang mahusay ang kani-kanilang roles, kabilang na si Gloria Diaz bilang ina ni Fr. Mallari at si Janella Salvador as Jonathan’s fiancee.

Panalo rin ang production design at halatang ginastusan nang husto. Heard na ‘yung scene sa sementeryo kung saan hinukay ni Jonathan ang libingan ni Johnrey ay isang parking lot at ginastusan ng tumataginting na P1M para gawing sementeryo na three minutes lang ginamit sa film.

Hindi malayong hakutin ng Mallari ang Best Picture, Best Director (for Derick Cabrido), Best Production Design, Best Actor at Best Supporting Actor sa MMFF Gabi ng Parangal sa KIA Theater mamaya.

AUTHOR PROFILE