Sharon

Fans, kumalma sa ‘Kiko’ post ni Sharon: I married a good and honest man

December 26, 2023 Vinia Vivar 144 views

Nakalma ang fans ni Sharon Cuneta sa pa-tribute nito para sa asawang si Kiko Pangilinan matapos mag-speculate ang marami na may hidwaan ang mag-asawa.

Noong nakaraang Dec. 24 kasi ay nag-post ang Megastar ng Christmas greetings sa Facebook with a photo na kasama niya ang apat na anak na sina KC, Frankie, Miel at Miguel.

“Merry Christmas from me and my four angels (my gremlins)!!! Love you all! (Christmas tree, heart, and praying hand emojis),” ang caption ni Shawie.

Pero ang mas napansin ng mga tao ay ang larawan kung saan ay may lalaki silang kasama (beside KC) na katawan lang ang nakita at putol ang ulo.

Marami ang naghinala na si Kiko ang nasa larawan at ang hula nila, sinadya ni Shawie na huwag ilagay ang mukha ng mister dahil baka may alitan silang mag-asawa.

Ang nasabing post ay burado na ngayon sa FB ni Sharon.

Sa kanyang latest Instagram post ay nag-post si Mega na tila sagot sa hinalang may tampuhan sila ni Kiko.

“Kiko @kiko.pangilinan and I are not perfect. We may be going in different directions, disagreeing about the future… but all these qualities, he has. I married a good and honest man. Thank you, neybor. 🙏🏻💖🎄Love you always, and thank you too for being a great Dad to our kids,” ang pahayag ni Sharon.

Ang nasabing statement ay tila assurance na rin marahil that everything’s okay between her and Kiko.

Kaya naman nakahinga na nang maluwag ang mga concerned fan na nag-alala para sa mag-asawa.

“Atee happy ako at nag post kana about sen kiko. Sana matigil na lahat ng speculations. Hoping for the best,” komento ng isang fan

“Hay Salamat! Team Sen @kiko.pangilinan ako FOREVER,” sey ng isa pa.

“Thank you for posting this…. we are so happy! We love you Mega and your whole family…,” pahayag naman ng isa pang supporter.

AUTHOR PROFILE