Maja

Maja at Rambo, comedy ang palitan ng ‘I do’

July 31, 2023 Vinia Vivar 334 views

Maja1Maja2Maja3Maja4Maja5Maja6Rambo Nunez and Maja Salvador are officially married! As we write ay katatapos lamang ng wedding ceremony sa Apurva Kempinski, Bali, Indonesia.

Habang nagaganap ang grandeng kasalan ay kumalat agad sa social media ang photos at videos mula sa wedding.

Napakaganda ni Maja sa kanyang bonggang wedding gown designed by Lebanese fashion designer, Zuhair Murad from his Spring 2023 bridal collection.

May mga nag-post ng videos habang naglalakad siya sa napakahabang aisle na talaga namang winner na winner.

May nag-post din ng larawan ni Maja with her bridesmaids at kabilang dito sina Kathryn Bernardo, Kakai Bautista, Janella Salvadior at ang kakakasal lang na si Maine Mendoza.

Of course, naroroon din ang mister ni Maine na si Arjo Atayde, Kathryn’s boyfriend na si Daniel Padilla. Spotted din si Joshua Garcia.

Nakunan din ng larawan si John Lloyd Cruz kasama ang anak nila ni Ellen Adarna na si Elias.

May nag-post din ng video ng palitan ng “I do’s” nina Maja at Rambo na sa halip na maging emosyonal ay naging comedy at nagtatawanan ang mga tao.

Nang tanungin kasi si Maja ng “do you take Rambo to be your lawful husband?” ay sumagot lang ng mahinang “yes” instead of “yes, I do” ang aktres kaya nagtawanan.

Tawanan din nang sumagot si Rambo ng “yes, I do.”

Natatawa rin silang sumagot pareho ng “yes, father” nang tanungin ng pari kung ready na ba silang magkaroon ng maraming anak.

Congratulations, Mr. and Mrs. Rambo Nunez! Mabuhay ang bagong kasal!

AUTHOR PROFILE