Andrea

Andrea sa mga taong kailangan mag-heal: Kapag trinaydor ka na, ‘wag mo nang balikan

July 31, 2023 Vinia Vivar 192 views

Sa bagong vlog ni Andrea Brillantes titled “Life Lately,” sinabi niya na walang dapat ipag-alala ang kanyang fans dahil masaya na siya ngayon at naka-move on na sa breakup nila ng basketbolistang si Ricci Rivero.

“Para na rin sa fans ko, sabihin ko na rin, baka kasi madaming concerned sa akin, gusto ko lang sabihin na okay na po ako ngayon,” aniya.

“Aaminin ko na tao lang ako, naging malungkot po talaga ako. One month ‘yun at masaya ako na ninamnam ko ‘yung kalungkutan ko na ‘yun at kailangan natin ‘yung harapin para mas maging maganda ‘yung paghi-heal natin,” dagdag niya.

Ngayon daw ay fully healed na siya talaga at naka-move on na sa lahat ng nangyari.

“Kahit ang dami pang mga bagong kyinemerut from the side, okay na ako. Kasi nakapag-heal ako nang buo at mas stronger ako ngayon. Tingin ko, mas strong ako at mas love na love ko na talaga ‘yung sarili ko,” sabi ng aktres.

Malaman din ang naging pahayag ni Andrea tungkol sa betrayal.

“Kapag trinaydor ka na, ‘wag mo nang balikan. Pinakita na niya ‘yung sarili niya sa ‘yo. Hindi totoo ‘yang second chances na ‘yan,” sey niya.

“Hindi sila worth it, ‘wag na, ba-bye, cut off, next!” aniya pa.

Sa ngayon daw ay naka-focus siya sa kanyang sarili, friends, family, work, endorsements, photo shoot, mga aso at fans.

Sey pa niya, “So ngayon, guys, mayroon akong parang assignment sa self ko. May bucketlist ako na gusto kong gawin lahat mag-isa. Mag-concert mag-isa, manood ng movie mag-isa, makapag-condo at alam n’yo ‘yun, lahat ng things na gusto kong gawing mag-isa.”

Makikita sa video na masaya si Andrea at panay ang tawa.

AUTHOR PROFILE