Armaine

Kasalang Maine-Arjo at Maja-Rambo iniwasan ng bagyo

August 1, 2023 Aster Amoyo 279 views

TIYAK na parehong kinabahan ang newlyweds na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza maging sina Rambo Nunez at Maja Salvador na hindi matuloy ang kanilang respective weddings nung nakaraang July 28 at 31, 2023 dahil sa pananalasa ng bagyong Egay.

Sina Arjo at Maja ay ikinasal sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel in Baguio City last July 28 (Friday) habang nung nakaraang July 31 (Monday) naman ikinasal sa Bali, Indonesia sina Rambo at Maja.

Parehong out of town ang magkahiwalay na kasal ng dalawa. Sa northern part ng Luzon ang pinakamalaking pinsala ng bagyong Egay kaya delikado ang magbiyahe patungong Baguio pero hindi nito napigilan sina Maine at Arjo, their respective families, bumubuo ng kanilang wedding entourage and guests na umakyat doon.

Marami ring flights (both local and international) ang nakansela dahil sa bagyo pero natuloy din ang kasal nina Maja at Rambo at nagsidatingan din sa Bali, Indonesia ang kanilang respective families, bumubuo ng wedding entourage maging ang kanilang mga bisita.

Kumbaga, hindi napigilan ng bagyong Egay ang magkahiwalay na pag-iisang- dibdib nina Maine at Arjo maging sina Maja at Rambo.

Nakiayon ang magandang weather in Bali, Indonesia sa outdoor wedding nina Maja at Rambo na in-enjoy ng bagong kasal at ng kanilang mga bisita.

Speaking of Maja and Rambo, talagang meant for each other ang dalawa sa kabila ng kanilang paghihiwalay nung 2010 but got reunited nung 2019 ang gave their love another chance hanggang sa ito’y mauwi sa kanilang engagement in April 2022 na sinundan ng kanilang pagpapakasal.

Parehong present sa magkahiwalay na kasal ang dalawang couple dahil, parte sina Maja at Maine sa wedding entourage ng kanilang respective weddings.

Kung present ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla as guests sa kasal nina Maine at Arjo, bahagi naman ng wedding entourage nina Maja at Rambo si Kathryn maging si Maine. Kasama naman si Maja sa mga bridesmaids nina Maine at Arjo.

Sina Maine at Maja ay parehong naging bahagi ng old “Eat Bulaga” on GMA at ngayon ay “E.A.T.” on TV5.

Sina Tito, Vic & Joey ay hindi na nakadalo sa wedding nina Maja at Rambo dahil live na ang “E.A.T” noontime show last Monday.

Nathalie kasal na sa Fil-Australian fiance

IKINASAL na rin ang Filipino-Australian actress na si Nathalie Hart (Princess Tinkerbell Cristina Marjorie Pedere Snell in real life) sa kanyang Australian fiancé na si Brad Robert na ginanap sa hometown ng aktres sa Sydney, Australia kamakailan lamang.

It was in August 2022 when Nathalie got engaged kay Brad na ginanap sa Mereio Room ng Raffles in Makati City.

The actress has a four-year-old daughter na si Penelope sa kanyang ex- boyfriend, ang Indian businessman na si Mayank Sharma.

Nathalie met Brad on social media particularly on Facebook nung October 2021 then nagkita sila nung December 2021. Pagkaraan ng anim na buwan ay nag-propose si Brad kay Nathalie nung August 2022.

Tanggap ni Brad na may anak si Nathalie sa dati nitong nakarelasyon and he’s very close to her and treats her just like his own daughter.

Matapos isilang ni Nathalie ang kanyang daughter na si Penelope in Sydney ay bumalik siya ng Pilipinas with her baby para ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.

Jak nauunawaan ang loveteam nina Barbie at David

TAPOS na ang filming ng first movie together ng pinakamainit na tambalan ngayon sa bakuran ng GMA na sina Barbie Forteza at David Licauco, ang “That Kind of Love” which was shot partly in Seoul, South Korea. Bukod sa movie ay sisimulan na rin ng dalawa ang kanilang unang teleserye na silang dalawa mismo ang mga pangunahing bida, ang TV adaptation ng 1991 hit movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla, ang “Maging Sino Ka Man”. Ito bale ang second TV series ng dalawa pagkatapos ng hit historical TV drama series na “Maria Clara at Ibarra” kung saan sina Julie Anne San Jose at Dennis Trillo ang mga first leads. Pero sa nasabing serye pumutok ang tambalan nina Barbie at David na hindi rin inaasahan ng dalawa.

Barbie is very much in a relationship with another Kapuso actor na si Jak Roberto at matagal-tagal na rin ang relasyon ng dalawa. Ang maganda kay Jak ay nauunawaan niya ang tambalan nina Barbie at David na siyang nagpapakilig sa kanilang fans kaya hindi siya pumapapel pagdating sa loveteam ng dalawa.

Even during the gala night ng GMA ay mag-isang rumampa si Jak sa halip na magkasama sila ng kanyang girlfriend na si Barbie. Pero ang tanong, hanggang kelan kayang uunawain at titiisin ni Jak ang loveteam ng kanyang girlfriend na si Barbie at katambal nitong si David. Hindi ba siya nakakaramdam ng selos or insecurity man lamang?

Sa nakikita ng fans kay David, mukhang napapalapit ito nang husto kay Barbie habang magiliw naman ang young actress sa kanyang ka-loveteam.

It was a working birthday for Barbie sa kanyang 26th birthday nung nakaraang July 31, Monday dahil may pictorial siya along with the cast ng “Maging Sino Ka Man” kung saan sila ni David ang mga pangunahing bida. Si David mismo along with Juancho Trivino ang nanguna sa pagbati at pagbibigay ng surprise birthday cake kay Barbie na nagpapa-make-up sa kanyang dressing room. The rest of the cast joined in singing `Happy Birthday’ kay Barbie.

For sure, may private celebration si Barbie with her boyfriend na si Jak and her family.

Art ng Boyfriends pumanaw na

ISANG malungkot na balita ang aming tinanggap nung umaga ng July 31, araw ng Lunes dahil pumanaw na ang isa sa bumubuo ng musical group na Boyfriends na si Art Ilacad, youngest brother ng OctoArts big boss na si Boss Orly Ilacad.

Si Joey Abando ang unang lead vocalist ng Boyfriends na siyang nagpasikat ng mga classic hits na “Dahil Mahal Kita,” “Sumayaw, Sumunod,” “Bistado na Kita,” “Bakit Labas Kitang Mahal,” “Kay Ganda Palang Umibig,” “Umaapoy,” “Oras- Oras,” “Paano Ko Sasabihin,” “Dance with Me,” “Paano Ko Sasabihin,” “Salawahan,” “Sa Tuwng Ako’y Nag-iisa,” at iba pa.

Nakagawa ng tatlong hit albums ang Boyfriends. Pero sa unang album pa lamang ay kumalas na ang lead singer na si Joey Abando leaving Gary Arriola, Bob Guzman at Art Ilacad sa grupo. But after their 3rd album ay kumalas na rin sa grupo si Art at naiwan na lamang sina Gary at Bob na hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa kanilang iba’t ibang gigs hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Si Art ay nag-focus sa kanyang pamilya at sa kanyang build and sell business.

About two weeks ay sumailalim si Art ng bypass operation. Dahil sa kanyang pagiging diabetic ay nagkaroon umano ng kumplikasyon na siyang naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

“Actually, nakauwi na siya ng bahay after niyang sumailalim ng bypass surgery,” kwento sa amin ng nakatatandang kapatid ni Art na si Guy Ilacad, ama ng Kapamilya young star na si Alexa Ilacad.

“Pero muli siyang ibinalik ng hospital,” patuloy ni Guy.

Ang mga labi ni Art ay nakaburol ngayon sa Chapel A ng Christ The King Parish in Greenmeadows, Quezon City until August 3, Thursday afterwhich his remains will be cremated on Friday, August 4.

Si Artie or Art ay bunso sa anim na magkakapatid with Boss Orly being the eldest kasunod si Sunny, Guy, Chito at Ricky.

Iniwan ni Art ang kanyang maybahay na si Enna Ilacad, their children na sina Bernice, Bianca at Paolo, Bea, Thirdie and Monica, his grandchildren, his brothers and their respective families.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE