Maine at Arjo ikakasal na sa isang taon

October 5, 2022 Aster Amoyo 509 views

HANGGANG ngayon ay wala pa ring detalyeng sini-share ang engaged couple na sina Maine Mendoza (27) at Arjo Atayde (31) kung kelan ang exact date ng kanilang wedding matapos ang kanilang engagement last July.

Pareho pa ring busy ang dalawa individually sa kanilang respective workand careers.

Bukod sa pagiging isang mahusay na actor, si Arjo ay first time politician bilang kinatawan ng unang distrito ng Quezon City habang si Maine ay regular pa ring napapanood sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga” at sa weekly sitcom na “Daddy’s Gurl” with Vic Sotto at iba’t ibang endorsements.

Since more than two months away na lamang bago magtapos ang taong2022, most likely ay sa isang taon na ang kasal ng dalawa.

Arjo is turning 32 on November 1 at magtu-28 naman si Maine on March 3, 2023.

Francine

Francine magbabakasyon muna

COME January 27, 2023 ay nineteen years old na ang Kapamilya young star na si Francine Diaz (Francine Carrel Saenz Diaz), a successful celebrity endorser and vlogger.

Pangatlo sa anim na magkakapatid, si Francine ay nagsimula sa showbiz at age 10. Inako na niya ang pagiging bread winner ng pamilya dahil hindi sapat ang kinikita ng kanyang ama para itaguyod sila.

Nagsimula si Francine sa pagiging commercial model until she was signed-up ng Star Magic ng ABS-CBN in 2016.

Naging bahagi siya ng morning TV series na “Be My Lady” na pinagbidahan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga na sinundan ng “We Will Survive” TVseries also in 2016. Naging bahagi rin si Francine sa seryeng “Ikaw Lang Ang Mamahalin” in 2017. Pero ang suwerte ng young star ay nagsimulang dumating in 2018 nang siya’y maging bahagi ng hit afternoon TV series ng ABS-CBN, ang “Kadenang Ginto” kung saan nabuo ang Gold Squad na kinabilangan din nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Ito’y nasundan ng primetime TV series na “Huwag Mangamba” kung saan tampok din silang apat.

While she takes on the responsibility of her family, hindi niya pinabayaan ang kanyang pag-aaral. Katunayan, nasa Grade 11 na siya sa Southville International School Affiliated with Foreign Universities.

Naniniwala kasi ang Kapamilya young star na hindi forever ang kasikatan at sunud-sunod na trabaho.

Kasalukuyang ginagawa ni Francine ang “Dirty Linen” TV series kung saan niya katambal for the first time ang ex-boyfriend at dating ka-loveteam ni Andrea Brillantes na si Seth Fedelin. But on her own ay kaya nang tumayo ni Francine mag-isa without banking on a loveteam.

Ilan sa mga produktong ini-endorso ngayon si Francine include Jollibee, Belo, Bench, Great Taste (choco coffee), Sunsilk Conditioner, Careline beauty products, Cherrymobile, Whisper napkins, Puregold and more.

Sa ngayon, malapit na ring matapos ang renovation ng kanilang bahay sa Cavite.

Ang maganda kay Francine, nananatili itong simple and grounded kahit sikat na. Wala rin itong keber kumain sa isang mumurahing restaurant basta gusto niya ang food kahit pinagkakaguluhan siya.

Dahil sa sunud-sunod na trabaho, gusto naman ni Francine ng break kaya nakatakda itong magbakasyon sa Singapore with her elder sisters and cousins.

Zen

Atom at Zen mainit na balita

THE news about them is hot.

Ito ay matapos batiin ng Kapuso award-winning journalist and news anchor na si Tom Araullo ang dati niyang kasamang journalist at news anchor sa ABS-CBN na si Zen Hernandez on her 41 st birthday last Tuesday, October 4 na may kasamang pictures nilang dalawa na magkasama na tila kuha sa isang photo booth.

Nakita rin ng kapwa nilang journalist at news anchor na si Pinky Web ang dalawa na magkasama sa Balesin Island nung isang taon. There are also times na magkasama ang dalawa na kasama naman ang iba nilang mga kaibigang journalists.

Atom is turning 40 on October 19 kaya abangan naman ang pagbati ni Zen.

Parehong nagtapos sa University of the Philippines sa magkaibang kursosina Atom at Zen.

Si Atom ay nagtapos ng kanyang elementary grades sa Ateneo de Manila University, high school sa Philippine Science High School at college sa U.P. where he took up Applied Physics.

Si Zen ay nag-aral ng high school sa St. Mary’s College in Mecauayan at Communication Arts major in Journalism naman ang tinapos niya sa U.P.

Bukod sa pagiging matalino at guwapo, isa si Atom sa mga pinapantasya ng mga kababaihan at tapos na raw ang `pila’ dahil taken na umano ito ni Zen.

Sina Zen at Atom ay matagal na nagkasama sa news department ng ABS-CBN until mag-desisyon ang huli na bumalik ng GMA in 2017 kung saan siya actually nagsimula in 2004.

Ngayong bukas na ang relasyon nina Atom at Zen sa publiko, marami tuloy ang nagtatanong kung kailan magpapakasal ang dalawa.

Masuwerte umano sila sa isa’t isa dahil bukod sa pareho silang matalino and in the same field, mukhang pareho silang mabait and responsible.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE