Ivana

Palaban sa threesome

October 5, 2022 Vinia Vivar 162 views

Kung sa pelikulang Two and One ay palaban sa threesome ang mga bidang sina Cedrick Juan at Miggy Jimenez, in real life ay aminado silang hindi pa sila open na gawin ang bagay na ito.

“Ako po, nothing against po ako sa mga ganitong set-up, kasi kung may consent po parehas ng parte ng couple na ‘yun, ng relationship na ‘yun, wala po akong problema do’n, kasi kanya-kanya tayo ng preferences,” simula ni Cedrick sa ginanap na mediacon/screening ng Two and One last Monday.

“Pero ako, personally, hindi ko po masasabi kung kaya ko siyang gawin kasi unang-una, seryosong bagay po siya. Kaya hindi ko po masasabi kung kaya kong gawin ‘yung threesome.

“Pero hindi ko po dyina-judge ‘yung mga tao or mga couple na gumagawa nu’n,” dagdag ni Cedrick.

Sabi naman ni Miggy, “Same naman po. I don’t see myself na makikipag-threesome. Parang hindi po kasi ‘yun ang preference ko.”

Pero tulad ni Cedrick ay nirerespeto rin niya kung anuman ang sexual preference ng ibang tao.

Sa Two and One kasi ay may threesome sina Cedrick, Miggy at Paolo Pangilinan (na hindi nakarating sa screening/mediacon dahil may prior commitment) at hindi lang isa kundi maraming beses.

Bukod dito ay may torrid kissing scenes din ang tatlong bida at sandamakmak na love scenes.

Nilinaw din nina Cedrick and Miggy na straight na lalaki sila and in fact ay pareho silang may kanya-kanyang girlfriend.

Mula sa direksyon ni Ivan Andrew Payawal, mapapanood ang Two and One sa Vivamax simula ngayong Oct. 5.

Kasama rin sa movie sina Phoemella Barranda at Shirley Fuentes.

AUTHOR PROFILE