Default Thumbnail

Maganda ang kinabukasan ng bansa

January 25, 2023 Vic Reyes 260 views

Vic ReyesMALAKING tulong ang Computer-Aided Risk Management Systems (CARMS) para malaman ng Bureau of Customs (BoC) ang mga transaksyon na may “red flags.”

Noon ngang 2022 ay 492 importers ang inirekomendang idaan sa post clearance audit sa tulong ng CARMS, ayon sa Post Clearance Audit Group-Trade Information and Risk Analysis Office (PCAG-TIRAO).

Inilunsad ng ahensya, na pinamumunuan ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz, ang programa noong nakaraang taon alinsunod sa Customs Administrative Order (CAO) 01-2019.

Ang bagong system ay naglalayong i-automate at i-computerize ang “process of risk profiling analysis and selectivity, resulting in identifying potential piority audit candidates.”

Sa pamamagitan ng CARMS ay malalaman ang mga transaksyon na nagpapakita ng potensyal na “revenue leaks.”

Ang mga “revenue leak” ay bunga ng posibleng undervaluation ng “customs value and other components of the deductible value and landed cost.”

Ang pagpapasara sa “revenue leaks” ay mabisang paraan para lumaki ang koleksyon ng BoC, ang pangalawang pinakamalaking tax collector ng gobyerno.

Ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ang numero unong tax generating agency ng bansa.

Sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ay binibilisan ni Commissioner Ruiz ang automation sa tinatawag na “snake-infested waterfront” sa Maynila.

At sa tingin ng mga waterfront stakeholder, kasama na ang mga miron, ay on-track si Sir Yogi sa implementation ng mga computerization project sa tulong ng kanyang mga tauhan.

****

Lalo pang pinaigting ng Bureau of Customs (BoC) ang implementasyon ng Electronic Tracking of Containerized Cargo System (E-TRACC) noong 2022.

Ang E-TRACC ay isang “real-time monitoring system” ng containerized cargoes gamit ang GPS-enabled tracking locks para maiwasan ang ismagling “by diversion of cargoes.”

Sa pamamagitan ng E-TRACC ay namo-monitor ng mga taga-BoC ang galaw at lokasyon ng lahat ng containers at nakakakuha ng “real-time alarms” 24/7.

“In 2022, the system documented 517,992 trips, of which 3.50 percent (18,099 visits) were alarmed due to irregular movements,” ayon sa isang kalatas ng BoC.

Ayon pa sa BOC, ang minimal na numero ng alarms “manifests the high compliance rate of consignees due to BoC’s strict monitoring of cargo movements to suppress illegal activities.”

Ang iba pang illegal activities ay kinabibilangan ng route deviations, unauthorized start and end of trips, at tampering with alarms.

Hindi matatawaran ang naitutulong ng E-TRACC para masundan ng mga otoridad ang galaw ng mga containerized cargo.

Kaugnay nito, maiiwasan ang mga misteryosong pagkawala ng mga kargamento dahil alam ng mga otoridad, sa pamamagitan ng E-TRACC, kung saan ang mga ito.

Napaka-epektibong armas ang E-TRACC laban sa ismagling at iba pang customs fraud.

Hindi ba, Pangulong Marcos, Finance Secretary Benjamin Diokno at Commissioner Ruiz?

***

Kahit marami pang gusot ang pina-plantsa ng administrasyong Marcos ay naniniwala tayo na maganda ang “kinabukasan” ng bansa dahil bukas na bukas na ang ating ekonomiya.

Ang kailangan na lang natin ay marami pang negosyo ang magbukas sa bansa hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa, lalo na sa kanayunan.

Buhay na buhay na ang turismo, maganda na ang takbo ng overseas employment program at masigla na muli ang construction industry.

Ang mga industriyang ito ay nangangailangan nang maraming manggagawa.

Hindi sana mangyayari ang mga ito kung nabigo ang gobyerno sa kanilang kampanya laban sa nakakttakot na coronavirus disease (COVID-19) na nagpalugmok sa ating lahat.

Sa tulong ng taumbayan, kasama na ang mga ordinaryong kababayan natin, ay nagapi natin ang COVID-19.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484. email: [email protected] Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE