Default Thumbnail

Mabuhay ang Customs-NAIA at sina Collector Carmelita Talusan at Commissioner Rey Leonardo Guerrero

June 16, 2022 Jun I. Legaspi 428 views

Jun LegaspiSTRICT but friendly! Basta trabaho at kaligtasan ng Ninoy Aquino International Airport your in good hands, at walang lusot ang mga illegal na contrabands lalo na illegal drugs sa mga tauhan ng Bureau of Customs-NAIA under sa leadership ni Collector Carmelita M. Talusan.

Ang huling accomplishments ng grupo ni Collector Talusan ay ang pagkumpiska sa P3.2 million illegal drugs na itinago sa mga muffler ng motorsiklo. Kung resourceful ang mga illegal drug traders, mas resourceful ang mga operatiba ng Customs-NAIA at friendly forces na Philippine Drug Drug Enforcement Agency, Philippine National Police at iba pang agencies kontra droga.

Sinira din ng agency ang milyon-milyong pisong illegal goods na ipapasok sana sa bansa na walang kaukulang clearances. Kabilang dito ang mga food items, unlabeled medicines, vape juice at linhua gingwen medicines, pati wildlife animals, atbp. 24/7 din ang close monitoring at border security measures.

Base sa data base ng journalnews.com.ph, hindi na mabilang ang mga accomplishments ng Customs-NAIA. Sa coverange ng inyong lingkod sa nakalipas na buwan sa premier airport, napakarami nang illegal drugs at contrabands ang nasakote ng nasabing ahensiya.

Sa ating din pakikipaghuntahan sa mga matagal ng tao sa Customs-NAIA iisa ang sigaw ng marami na exceptional si Collector Talusan.

Exceptional siya sa pagiging mahusay, magalang, matatag, at pagbibigay ng dignidad sa kanyang mga nasasakupan, babae man eto o lalaki. Flexible din siya dahil maganda ang kanyang relasyon sa lahat ng goverment´s agencies at private entities kahit mahigpit na ipinatutupad nito batas.

Noong Marso, 2022 sa celebration ng Women´s Month, taos-pusong pinasalamatan ng mga babaeng empleyado Collector Talusan sa pagbibigay importansiya sa kanila at sa kanilang mga nagawa para sa ahensiya. Tinalakay sa seminar ang mga karapatan ng mga kababaihan sa ilalim ng Magna Carta for Women under Republic ACT No. 9710. Dahil din sa mahusay na collection system ng Customs-NAIA kung kaya’t ilang beses na rin itong nag No. 1 bilang Collection District.

Ayon din sa mga observers sa loob at labas ng CUSTOMS-NAIA maging ng private sectors, mahusay na napatakbo ni Collector Talusan ang ahensiya sa nakalipas na dalawang taon na pandemic.

Malaki ang naging papel ng Customs-NAIA sa pagalalay sa mabilis na distibution at release ng mga COVID-19 vaccines.

Pinuri din ang Customs-NAIA sa mahusay na implementation ng mga Customs Bonded Warehouses.

______

Sa inyong lahat dyan sa CUSTOMS-NAIA sa pangunguna ni Collector Carmelita Talusan at kay Commissioner Rey Leonardo Guerrero MABUHAY PO KAYO! ([email protected])

AUTHOR PROFILE