Default Thumbnail

Luxury vehicles, huli sa Port of Davao!

August 2, 2023 Vic Reyes 301 views

Vic ReyesDAHIL nga mahirap na ngayong makalusot ang mga kontrabando sa bansa, minabuti na lang na iabandona ang apat na imported used luxury motor vehicles sa Port of Davao.

Ang apat na luxury cars ay nakapaloob sa dalawang containers na idineklarang naglalaman ng brand new motor vehicles, ayon sa isang pahayag ng Bureau of Customs (BOC).

Nalaman ng mga taga-customs na ang consignee ng mga sasakyan ay hindi pala rehistrado sa Accounts Management Office (AMO).

Pagkatapos na makatanggap ng isang tinatawag na “actionable” na impormasyon ay dali-daling umaksyon ang mga tauhan ng Port of Davao.

Kaagad na nagsagawa ng “thorough inspection” ang mga kawani ng nasabing collection district sa Mindanao sa dalawang abandonadong containers.

Dito na nga bumulaga sa kanila ang apat na used luxury motor vehicles na bawal na ipasok sa Pilipinas.

“Under Executive Order (EO) No. 156, 2002, the importation of second hand motor vehicles is strictly prohibited,” ayon sa mga beteranong mamamahayag sa aduana.

Kagaya ng used clothing o ukay-ukay, ang mga second hand na sasakyan ay hindi puwedeng ipasok sa bansa.

Ang Port of Davao ay committed para ipatupad ang 5-Point Priority Program ni BOC Chief Bienvenido Y. Rubio alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos.

Isa sa marching orders ni Pangulong Marcos sa BOC ay patigilin ang lahat ng “forms of smuggling.”

Lalo na ang pagpupuslit ng mga ipinagbabawal na gamot, na kagaya ng shabu, cocaine at kush marijuana, at mga produktong agrikultura (bigas, mais, gulay at isda).

Marami lang talagang matitigas ang ulo na pilit pa ring nagpapalusot.

Dapat kasi ay may makulong para tuluyan ng matigil ang ismagling sa bansa.

***

Lahat ng customs examiners, appraisers at opisyal ng Entry Processing Unit ng Port of Cagayan de Oro at Sub-port of Mindanao Container Terminal ay nag-undergo ng refresher courses on assessment procedure.

Ang dalawang araw (July 15-16) na refresher courses ay ginanap sa pansamantalang opisina ng Sub-port of Mindanao Container Terminal sa Tagaloan, Cagayan de Oro.

Ayon kay District Collector Erastus Sandino B. Austria ng Port of Cagayan de Oro, ang mga participant ay binigyan ng mga kopya ng assessment manual,

Ito ay para matulungan sila sa kanilang dalawang araw na pagsasanay.

Ang unang araw ng refresher course “featured an overview of the following processes: formal and informal entry, super green lane, provisional goods declaration, dispute settlement and protest.”

Ang Day 2 naman ay nag-focus on practical computation, excise tax, conduct of physical examination, and Post Entry Modification.

Sa pamamagitan ng refresher course ay lalong nahasa ang mga participant sa assessing procedures, pag-identify ng potential issues at making informal decisions.

Talagang mahalaga ang regular na pagsasanay ng mga opisyal at tauhan ng BOC para maging up-to-date sila sa mga nangyayari sa mundo ng customs administration.

Dapat lang naman, kung gusto talaga nating lalong mapalapit ang BOC sa taumbayan, lalo na sa mga importer, customs broker at iba pang waterfront stakeholders.

Hindi ba, Commissioner Bienvenido Y. Rubio?

***

Talaga namang maraming pininsala ang idinulot ng Bagyong Egay at ng tinatawag na “habagat.”

Lalo na sa mga magsasaka na ang mga pananim na mais, palay at gulay ay winasak ng mga rumagasang tubig-baha at hangin.

Ang mga malapit ng anihing mais ay tinangay ng tubig galing sa mga umapaw na ilog at ibang daluyan ng tubig. Ang mga bagong tanim na palay ay nabulok.

Ang madakit pa, matagal bumaba ang tubig dahil saturated na nga ang lupa dahil sa walang tigil na ulan ng ilang araw.

Marapat lang na tulungan ng gobyerno ang mga naluging magsasaka dahil wala na silang pera. Ang mga ipinambili ng itinanim na mais, palay, abono at pesticide ay inutang lang.

Sana huwag naman silang gipitin ng mga nagpautang sa kanila, lalo na ng mga usurero, dahil hindi naman nila kagustuhan ang nangyari sa kanilang mga pananim.

Kung hindi sila tutulungan ng gobyerno para makapagtanim muli ay talagang gutom ang aabutin nila at ng kanilang mga mahal sa buhay na umaasa lang sa bukid.

Tama ba kami, Pangulong Marcos?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan)

AUTHOR PROFILE