Luis

Luis, gumawa ng sariling game show

March 7, 2023 Ian F. Fariñas 369 views

STAR-STUDDED ang katatapos na selebrasyon ng 1st BingoPlus Night na idinaos sa Grand Hyatt Manila at dinaluhan ng ilan sa celebrity endorsers sa pangunguna ni Luis Manzano.

Ang BingoPlus ang first live-streaming bingo sa Pilipinas. Nag-perform ang mga tulad nina Regine Velasquez, Billy Crawford and wife Coleen Garcia, Vice Ganda, Kim Molina, Josh ng SB19, atbp.
Rumampa rin sa red carpet sina Bela Padilla, Sam Concepcion at Bea Binene, among others.

Sa naturang okasyon, ibinahagi ni Luis ang magandang balita na nakapag-tape na siya ng original game show niya na binuo sa loob ng dalawang taon.

Kwento ng TV host, “Two years in the making namin ginawa ‘to. Soon, nakapag-tape na ako ng original game show ko which I will air on my social media channels.

“Matagal ko nang naplano ‘yan even before the pandemic happened. It was already in the works. So nakakatuwa na naka-tape na kami. Ito ‘yung game show na binuo namin para sa inyo kasi ang gusto po namin, kayo ang susuwertehin sa game show namin.

“So, we’ll air it very, very soon and hopefully, maging part din ang BingoPlus family sa original game show namin.”

Bilang bagong daddy, inamin ni Luis na nakaka-relate na siya sa ibang mga magulang na nagsasabing “uwing-uwi na” sila tuwing lumalabas ng bahay.

Kaya naman daw ang ginagawa ng misis niyang si Jessy Mendiola, pinadadalhan siya ng videos ni Baby Peanut.

“It’s so hard to leave the house,” giit ng TV host.

Bago nga raw siya nakaalis ng bahay para sa BingoPlus event, nakita niyang nagla-laptop si Baby Peanut.

“At two months, nagla-laptop na siya!” banggit pa ni Luis.

Marunong na umanong mag-Sudoku (isang sikat na puzzle game) ang baby nila ni Jessy.

“Buti sana kung mali-mali ang sagot. Ang problema, tama ‘yung sagot niya! Ganu’n katalino,” sey pa ng proud dad.

Nang tanungin kung kanino nagmana si Peanut, sagot ni Luis, “Ayoko nang sabihan, pero sobrang smart ko.”

Samantala, live napanood online ang BingoPlus anniversary celebration na namigay ng P1 million worth of raffle giveaways.

Dalawang masusuwerteng winners din ang naghati sa P50 million Mega Jackpot.

Sabi nga ni Luis, maliban sa magandang show at performances, mas na-excite siya sa charity side ng okasyon.

Mahigit kasing P10 million ang idinonate ng BingoPlus sa napiling institution bilang pasasalamat sa suportang tinanggap nila mula nang mag-launch nu’ng 2022.

AUTHOR PROFILE