Lorna

Lorna, nagpapa-rehab ang naaksidenteng tuhod

January 28, 2024 Vinia Vivar 141 views

Ni-reveal ng award-winning actress na si Lorna Tolentino na nagkaroon siya ng aksidente sa taping recently.

Pero walang dapat ipag-alala ang kanyang fans at mga kaibigan dahil kasalukuyan na siyang nagpapagaling.

Ayon kay LT sa video na ipinost kasama ang kanyang doktor ay nadulas siya dahil sa powder na inilagay sa sahig at na-injure ang kanyang knee.

“Naglagay sila ng powder for the slide stunt na scene and kailangan kong mag-pass sa way na nalagyan nila. So, nagkaroon ‘yung rubber shoes ko ng powder, pagdating sa 2nd step, medyo parang sabi ko, madudulas ako.

“So, binend ko na lang ‘yung knees ko, ako naman ‘yung nag-slide,” kwento ng Grand Slam Queen.

Sa caption ng video ay sinabi rin ng aktres na nagre-rehab na siya ngayon ng kanyang injured knee.

“I recently had a minor accident during taping and injured my knees that’s why I immediately scheduled an appointment with Dr. Mark Tan of @rehabmed.md to have it checked and treated.

“This is already my 3rd time to have a #PRP treatment and it never fails. Looking forward to my full recovery!

“Super big thanks to Dr. Tan @rehabmed.md and @spectrumedinc for always taking care of me!!,” caption niya.

Hindi na sinabi pa ni LT kung saang taping siya naaksidente pero ang kasalukuyan niyang ginagawa ay FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.

AUTHOR PROFILE