Default Thumbnail

Lolo, 71, timbog sa ‘sexual assault’

May 16, 2023 Jonjon Reyes 275 views

ARESTADO ang isang 71-anyos na lolo sa kasong “sexual assault” sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC) ang nakatala bilang “most wanted person” (MWP) makaraang matunton sa harapan ng bahay nito sa Prudencia Street, Tondo, Maynila, Martes ng umaga.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Jonathan Villamor, commander ng Manila Police District (MPD) Jose Abad Santos Police Station (PS) 7, bandang 10:50 ng umaga, nang mamataan ang suspek na lolo sa mismong harapan ng kanyang bahay.

Dahil na rin sa pinaiiral na “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) na programa ni MPD Director P/BGen. “The Game Changer General” Andre P. Dizon, agad na kumilos at hindi na nag-aksaya ng panahon ang mga tauhan ni Villamor para arestuhin ang suspek.

Dala ng isang operatiba ng Station Warrant Section na pinamumunuan ni P/Capt. Joan Dorado ang arrest warrant na inisyu ni Judge Delight Aissa Salvador ng Regional Trial Court Branch 29 ng Maynila.

Gayunman, inutos ng korte na maglagak ng piyansang P200,000 ang suspek sa pansamantala nitong paglaya.

AUTHOR PROFILE