Default Thumbnail

Lolo, 67, nakaiwas sa sunog, nadulas, dedo

November 28, 2022 Melnie Ragasa-limena 228 views

NASAWI ang 67-anyos na lolo matapos na madulas at mabagok habang lumilikas sa kalagitnaan ng sunog sa Quezon City, Lunes ng umaga.

Naisugod pa sa kalapit na ospital ang biktimang si Delfin Inerva, 67, residente ng Brgy. Holy Spirit, pero binawian din ito ng buhay.

Batay sa inisyal na report ng Quezzon City Bureau of Protection (BFP), naganap ang sunog bandang 4:54 a.m. (November 28) sa Saint Vincent St., Brgy. Holy Spirit, sa lungsod.

Nagsimula ang sunog sa silid ng anak ng may-ari ng bahay na nasa ikatlong palapag at dahil sa gawa sa light materials ay mabilis na kumalat ang apoy sa sampung mga katabing bahay kung saan 20 pamilya ang nawalan ng tahanan.

Umabot sa unang alarma ang sunog dakong alas 5:01 ng umaga at idineklara ang fire out bandang 6:22 a.m. kung saan higit sa 11 fire trucks at isang ambulansiya ang rumesponde, ayon sa BFP.

Patuloy pang inaalam ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog.