Default Thumbnail

Lolo, 60, na-trap sa sunog patay

June 1, 2022 Jonjon Reyes 270 views

SINASABING na-trap sa naglalagablab na apoy ang isang 60-anyos na lolo, makaraang sumiklab ang sunog madaling araw nitong Miyerkules sa Sta. Mesa, Maynila. Patuloy pa rin inaalam ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pagkakakilanlan ng biktima.

Sa ulat ng Arson Division, bandang 4:45 ng madaling araw nang magkasunog sa V. Mapa St., Sta. Mesa at umabot sa P500,000 ang napinsalang ari-arian batay sa ulat ng BFP.

AUTHOR PROFILE