Default Thumbnail

Lola nahulog mula 17th floor ng condo, bungo basag

January 5, 2024 Jonjon Reyes 279 views

BASAG ang bungo ng 62-anyos na ginang makaraang mahulog sa ika-17 palapag ng condominium sa Sta. Cruz, Manila noong Huwebes

Residente ng condo ang biktima sa Felix Huertas St., Brgy. 350, Sta. Cruz, Manila.

Base sa ulat, bandang alas-2:35 ng hapon nang makuha ng mga pulis ang balita tungkol sa insidente.

Nauna rito, bandang alas-12:30 ng tanghali sabay- sabay na kumain ng tanghalian ang ginang kasama ang anak niyang lalaki at babae.

Matapos ang pananghalian, nakarinig ng malakas na kalabog si Rowena Flor, 42, housekeeper ng condominium.

Doon na nakita ang nakahandusay na biktima kaya’t ipinagbigay alam nila sa kanilang opisina bago inireport sa tanggapan ng Manila Police District– Sta. Cruz Police Station 3.

AUTHOR PROFILE