Default Thumbnail

Lola, 70, dedo sa sunog sa Kyusi

May 24, 2023 Melnie Ragasa-limena 214 views

NASAWI ang isang lola habang nasa 30 na pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa Barangay Balon-Bato sa Quezon City nitong Miyerkules ng umaga.

Natagpuan ang sunog na bangkay ng biktima na tinatayang nasa 70 taong gulang sa loob ng kaniyang tahanan sa nasabing barangay.

Ayon kay QC fire marshal Senior Superintendent Aristotle Banaga, itinaas ang unang alarma 4:13 ng umaga (Mayo 23) at umabot sa ikaapat na alarma.

Idineklarang fire out ang sunog bandang 8:08 ng umaga.

Ayon sa mga bumbero, nahirapan silang apulahin ang apoy dahil dikit-dikit umano ang mga bahay.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng arson investigator para malaman ang pinagsimulan ng sunog.