Default Thumbnail

License ng Xmas ‘killer’ driver suspendido

December 28, 2021 Jun I. Legaspi 407 views

3 inarararo, dedo sa speeding van

AGAD sinuspindi indefintely ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng driver ng speeding van na nakasagasa at nakapatay sa tatlong innocenteng pedestrian madaling araw ng December 25, 2021 sa Pasay City.

Kinumpirma ito ni Atty. Clarence V. Guinto, Director ng LTO-Law Enforcement Service (LES) at concurrent Dir. LTO-National Capital Region-West, ayon sa utos ni Assistant Secretary at LTO Chief Edgar Galvante.

Ayon kay Guinto, napadala na rin nila ang summons sa driver at may ari ng van para humarap sa investistigation na ginagawa ng LTO-Intelligence and Investigation Division, LTO-LES para na rin sa transparency.

“Hingin pa rin natin ang kanilang paliwanag para mas maging malinaw ang ginagawa nating investigation, at maging malinaw at maliwanag ang gagawin nating final decision ng agency. Malinaw yung instruction ni Assec. Galvante ilabas ang totoo at kung anumang ang decision ng mga umiiral na batas ipatupad agad kung “revoke” ang decision gawin agad,” saad ni Guinto.

Ayon kay Guinto, pansamantalang hindi nila inilabas ang mga pangalan ng sangkot sa bloody vehicular accident bilang pagtupad sa data privacy.

Ayon sa report, tatlo ang namatay, tatlo ang sugatan at maraming properties ang nasira nang araruhin ng speeding van ang mga biktima sa kahabaan ng Aurora Boulevard (Tramo), Pasay City madaling araw ng December 25, 2021.

Tumakas ang biktima at narecover ng mga pulis ang inabandonang van sa harap ng isang building sa Gil Puyat Avenue, Makati City.

Muling nag-paalaala si Guinto sa publiko na maging extra vigilant, mag-ingat at sumunod sa batas trapiko para makaiwas sa mga aksidente.

AUTHOR PROFILE