Isko Binabati ni Manila Mayor Isko Moreno ang kanyang mga supporters habang nakamasid si MPD chief M/Gen. Leo Francisco. Kuha ni JON-JON REYES

Bagong headquarters ng MDTEU binuksan

December 28, 2021 Jonjon Reyes 742 views
Isko1
Makikita sa inauguration ng bagong MDTEU headquarters sina Mayor Isko Moreno (2nd R), (from R) City Engineer Armand Andres, MPD chief M/Gen. Leo Francisco, traffic chief Col. Anthony Coyle Olgado at city architect Pepito Balmoris.Kuha ni JERRY S. TAN

PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Isko Moreno at Manila Police District MDP Director PBGen Leo Francisco ang pagpapasinaya sa gusali ng MPD District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) sa Blumentritt St., Sta. Cruz, Maynila.

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na ang bagong tayong gusali ay nagkakahalaga ng P30 million.

Ayon pa kay Moreno, mayroon na ngayong sariling “tahanan” o headquarters ang naturang unit at panghabambuhay na ito nilang gagamitin. para sa mga kapulisan ng Maynila.

Dagdag din ni Moreno na mayroom ding sariling gasoline station ang nasabing headquarters na “one to sawa.” Ibig sabihin nito ay hindi mauubusan ng produktong langis para sa mga sasakyan ng traffic unit ng MPD na ginagamit sa trabaho at pag-responde.

Lubos naman ang pasasalamat ni Francisco at nangako itong aalagaan at pagkakaingatan ang nasabing bagong headquarters. Sinabi rin nito na papanatillin ang maayos na serbisyo ng MPD sa publiko dahil sa suportang ipinagkakaloob sa kanila ng Manila LGU. Kasama si Itchie G. Cabayan

AUTHOR PROFILE