Default Thumbnail

‘Libreng Sakay’ ng LRT 2 para sa estudyante tapos na

November 6, 2022 Jun I. Legaspi 454 views

TAPOS na ang programang “Libreng Sakay” ng Light Rail Transit 2 (LRT2) para sa mga estudyante Sabado, Nobyembre 5, 2022 na tumagal ng 60 araw, ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA).

Ang nagtapos na “Libreng Sakay” ay naghandog ng serbisyo para sa mga estudyante mula nursery hanggang kolehiyo sa buong operasyon ng LRT-2 mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:30 ng gabi.

Wala namang patid ang pasasalamat ng mga estudyante sa pamahalaan at sa LRTA dahil sa kanilang ligtas at maginhawang biyahe sa pagpapatupad ng libreng sakay program.

Malaking tulong anila ang libreng sakay sa kanilang pagbabalik-eskwela upang maibsan ang kanilang mga gastusin dahil sa tumataas na presyo ng petrolyo at pangunahing bilihin.

Epektibo naman mula araw ng Linggo, Nob. 6, 2022 ay muling ipatutupad ng LRTA ang 20% student fare discount. Ipakita lamang ang school ID o proof of enrollment sa Passenger Assistance Office o ticket booth.

Sa pagtatapos ng libreng sakay program, kinilala ng pamunuan ng LRTA ang mga kawani at frontline personnel nito na buong sigasig na nagseserbisyo para sa maayos at matagumpay na implementasyon ng programa.

AUTHOR PROFILE