Lalamove rider arestado sa pagdeliver ng mga pagong

February 1, 2022 Jonjon Reyes 97 views

NAHAHARAP sa kasong palabag sa Section 27 ng Republic Act 9147 o possession and transport of critically endangered wildlife species ang isang Lalamove rider
makaraang masabat ng mga awtoridad Lunes ng hapon sa service road ng Roxas Boulevard sa Malate, Manila.

Kinilala ang suspek na si John Michael Hipona, 27, may ka live-in, ng 468 Area – B Gate 10, Parola Compound sa Brgy.20, sakop ng Tondo.

Batay sa ulat ni P/ Lt Col.Rodel Borbe, commander ng Manila Police District – Malate Police Station 9 , nakipag ugnayan sa kanyang opisina ang grupo ni P/ Major Randy Ludovice, team lider ng Northern, NCR, Maritime Police;P/ Major Roldan Mañulit ng National Anti- Illegal Logging Task Force ng Department of Environment and Natural Resources at Major Primitivo Cañete ng NCR , Maritime Southern Police hinggil umano sa Lalamove rider na may bitbit na.mga pagong.

Inilatag ang isang entrapment operation 3:30 p.m. sa panulukan ng San Andres at Roxas Boulevard.

Ayon sa suspek ay binayaran ang pamamagitanng BPI electronic transfer. Nina JON-JON REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE