Chua NAGPAABOT ng mensahe si Mr. Gerry “Ube” Chua (ikatlo sa kanan) kasama ang kanyang pamilya ng pagbati ng Kung Hei Fat Choi, Xin Nian Kuai Lou–Happy Chinese New Year sa mga Chinoy matapos ipagdiwang ang Tiger Lunar New Year ngayong Febrero 1, 2022. Kuha ni Jon-Jon Reyes

Kung Hei Fat Choi! mula sa Eng Bee Tin

February 1, 2022 Jonjon Reyes 210 views

NAGPAABOT ng mensahe bilang pagbati at pagmamahal si Mr. Gerry “Ube” Chua sa mga Chinoy sa pagdiriwang ng Tiger Lunar New Year o Chinese New Year sa Binondo Manila, ngayong araw ng Martes Feb. 1, 2022.

Kilala si Gerry “Ube” Chua na matulungin at mapagmahal sa mga Pilipino at maging sa mga Manileño. Dahil sa kanyang magandang kalooban at mapagbigay sa kapwa kahit na siya ay isang Chinese national at may pusong Pinoy na maawain at matulungin.

Sa loob ng tatlong dekada, siya ay naging founder ng TXTFIRE Philippines Foundation Inc. at Binondo Paco Fire Brigade dahil siya ay isang debotong firefighter volunteer mula sa kanyang murang edad.

Isa rin si Chua sa may-ari ng masarap na Eng Bee Tin Chinese Deli Home of the the Best Hopia at tikoy na itinatag noong 1912, at ngayon ang kanyang anak na si Geric Chua ang nagpapatuloy sa kanilang negosyo na matatagpuan sa Ongpin St. sa Binondo Manila.

Ang naging tanging libangan ni Chua ay ang gumawa ng mabuti sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan lalo na sa pagdating ng mga sakuna tulad ng sunog, lindol, at baha – isa sila sa mga maagap na rumeresponde at tumutulong sa mga biktima ng kalamidad.

Kilala rin siya na mapagkumbabang pinuno, maalagain sa kanyang mga tauhan at mga kaibigan, at higit sa lahat isang mabuting ama sa kanyang pamilya. mula sa kanyang pamilya bumabati si Chua ng isang “Kung Hei Fat Choi, Xin Nian Kuai Lou”–Happy Chinese New Year sa lahat. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE