Posas

Lalaking hubad, may patalim, shabu tiklo

August 28, 2023 Jojo C. Magsombol 263 views

ISANG di-kilalang lalaki na hubad, may patalim at shabu ang inaresto ng mga opisyal ng barangay at iti-nurn over sa mga pulis sa Batangas City Linggo ng madaling araw.

Ayon sa report kay Batangas City Police Station Chief P/Lt. Col. Diane Dela Cruz Del Rosario, napansin ng mga barangay tanod dakong 3:30 ng madaling-araw sa D. Silang St., sa Bgy 6, Batangas City noong Agosto 27 ang suspek na naglalakad nang hubad at may kutsilyo sa baywang.

Nang tanungin kung sino siya, mabilis na tumakbo ang lalaki kaya hinabol ng mga opisyal at nahuli.

Ayon kina Bgy. Chairman Torres at mga barangay opisyal, narekober nila sa lalaki ang ilang piraso ng plastic na may lamang shabu at ang kutsilyo.

AUTHOR PROFILE