Tumalon Makikitang isinusugod sa pagamutan ng mga kagawad ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Manila City hall ang lalaking tumalon mula sa ikatlong palapag ng gusali sa Manila City Hall. Kuha ni JON-JON C. REYES

Lalaki tumalon mula 3rd floor ng Manila City Hall

July 12, 2023 Jonjon Reyes 1049 views

https://www.youtube.com/shorts/BLMbNjuFrhU

 

Suspek naaresto sa pagwawala dahil mag-a-abroad ang dyowa

DOBLE sakit ng katawan ang tinamo ng 32-anyos na lalaking suspek na tumalon mula ikatlong palapag ng Manila City Hall habang dinadala sa fiscal para sa kakaharaping kaso nito, Miyerkoles ng umaga.

Nagtamo ng bali sa kanang binti, sugat sa pisngi at kaliwang kilay ang biktimang si Lyle Adams Fernandez, ng Mangaldan, Pangasinan

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, Manila Police District- Ermita Police Station 5 commander,bandang 11 a.m. nang maganap ang pagtalon sa bintana ng suspek.

Una rito, dinala muna ang suspek sa Inquest Fiscal na si Fernandez ng mga tauhan ni Cruz na sina Police Staff Sargent Rolando Capuz at si Police Corporal Acnam upang ipaalam ang kanyang mga naging kaso nito na paglabag sa R.A.10591, Art. 155, Art. 285 of the RPC and physical injury.

Ihinarap ang suspek kay Assistant City Prosecutor Glenn Romano sa ikatlong palapag ng MCH .

Habang naglalakad sa pasilyo, biglang tumalon ang suspek sa bintana hangang sa tuluyang mahulog mula sa 3rd floor ng Manila City Hall.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng MDRMMO Rescue Team at mabilis namang naisugod sa Philippine General Hospital ang lalaki.

Kasalukuyang inaalam ang lagay ng lalaki.

Matatandaan, kamakailan ay nagwala si Fernandez sa isang agency sa Paco Ermita, dahil sa umano’y ayaw nitong payagan na mag abroad ang kanyang nobya.

Nagawa pang manakot at magpaputok ng baril ang suspek at saka mabilis na tumakas subalit agad ding naaresto ng mga kapulisan ng MPD sa panulukan ng A.Mabini at Padre Faura Sts.,Ermita, Manila.

AUTHOR PROFILE