Huli NATYEMPUHAN–Ang naarestong babae sa Maynila dahil sa child abuse. Kuha ni Jon Jon Reyes

Lalaki tiklo sa droga; bebot laglag sa child abuse

March 19, 2024 Jonjon Reyes 55 views

NABITAG ng mga operatiba ng Manila Police District ang isang lalaki dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act sa San Fabian St., Tondo, Maynila noong Linggo.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Nass Vargas, station commander, bandang alas-6:45 ng gabi ng maispatan ang suspek na si alyas Bert, 28, ng Gate 10, Parola Compound, Tondo, Maynila.

Nahaharap ang suspek sa kasong pag-iingat ng iligal na droga.

Samantala, timbog din ang isang 31-anyos na babae dahil sa paglabag sa RA 7610 o Child Abuse sa Safari Building, Paco, Manila noong Lunes.

Kinilala ang naarestong babae na si alyas Mary Ann.

AUTHOR PROFILE