Default Thumbnail

Lalaki sa Maynila nagbigti

August 28, 2023 Jonjon Reyes 167 views

ISANG 46-anyos na lalaki ang natagpuang nakabigti sa Sto. Tomas St., Sampaloc, Maynila noong Linggo

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, commander ng Manila Police District-Sampaloc Police Station 4, bandang 10:20 ng umaga nang makatanggap sila ng report hinggil sa pagpapatiwakal ng biktima.

Isang ginang na malapit na kaibigan ng biktima ang unang nakadiskubre sa nakabigting katawan ng biktima sa loob ng kanyang bahay.

Nakita ng saksi ang biktima na nakabitin sa bakal na hagdanan.

Bago magbigiti, sinabi ng ginang na palagi siyang nakakatanggap ng mga text message mula sa biktima tuwing umaga.

Gayunpaman, hindi na nakatanggap ng mga mensahe mula sa biktima ang ginang simula noong Sabado kaya naisip niyang puntahan ito sa bahay.

Doon na tumambad sa kanya ang nakabitin na katawan ng kaibigan.

Ilang kapitbahay din ang nagbigay ng salaysay na huling nakitang buhay ang biktima noong nakalipas na mga araw.

AUTHOR PROFILE