Default Thumbnail

6 residente, 5 bumbero sugatan sa sunog sa QC

August 28, 2023 Melnie Ragasa-limena 380 views

LABING-ISA ang sugatan kabilang ang limang bumbero at 200 pamilya naman ang naabo ang bahay sa sunog na lumagablab sa residential area sa Quezon City Linggo ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) National Capital Region, nagsimula ang apoy bandang alas 9:00 ng gabi na umabot sa fifth alarm.

Idineklarang fire out ang insidente bandang 2:56 ng umaga.

Natupok ng apoy ang mga bahay na gawa sa light materials sa kahabaan ng Vargas Lane at Visayas Avenue.

Nasugatan ang limang bumbero na sina Inspector Miles Valdez, Senior Fire Officer 3 Renato Roque, Fire Officers 1 Ronnie Racuyal, Jade Medrano at Robert Vincent Angeles IV.

Kinilala ang iba pang nasugatan na sina Lodovico Zamora, Lerme Lumbay, Raymond Bacatan. Michael Catapat, Joanna Oliva at Narciso Elardo.

Nanunuluyan na sa dalawang evacuation center ang mga nasunog ang bahay, ayon sa mga barangay officials.

Matapos ang limang oras ay idineklarang fire out bandang 2:56 ng umaga.