Crime

Lalaki patay sa pamamaril sa Bulacan

September 7, 2023 Bernard Galang 166 views

PATAY ang isang lalaki habang kritikal naman ang kondisyon ng kasama nitong babae matapos silang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek nitong Miyerkules sa Pulilan, Bulacan.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., kinilala ng Pulilan police ang nasawi na sina Marlon Reyes, ng Pulilan, Bulacan; habang nasa malubhang kalagayan naman si Ethel Joy Reyes, ng Bgy. Cutcot, Pulilan, Bulacan.

Sinabi ng pulisya na isang hindi pa nakikilalang lalaki na nakasuot ng pulang stripes na jacket at nakasakay sa motorsiklo ang bumaril sa dalawang biktima sa Pulilan Regional Road sa Bgy. Dampol 1st, Pulilan, Bulacan at tinamaan si Reyes sa ulo.

Isinugod ng mga rumespondeng Pulilan Rescue personnel ang mga biktima sa Our Lady of Mercy Hospital sa Bgy. Longos, Pulilan pero idineklarang dead-on- arrival ang lalaki at kritikal naman ang babae.

AUTHOR PROFILE