Crime

Lalaki patay sa pamamaril

April 2, 2024 Bernard Galang 60 views

PATAY ang isang lalaki at nakaligtas ang backride matapos pagbabarilin ng dalawang nakamotorsiklo sa Floridablanca, Pampanga noong Lunes.

Kinilala ng Pampanga police ang biktima na si Ignacio Villarin, 62, caretaker at residente ng Purok 5, Pantalan Luma, Orani Bataan at si Cristy Medina, 45, tubong Pangcol, Palawan, ang nakaligtas.

Sinabi ni Medina sa pulisya na pupunta sila sa Orani, Bataan pero pagdating sa Purok 4, Brgy. San Roque , Floridablanca, Pampanga biglang sumulpot mula sa likuran ang dalawang suspek.

Pinaputukan ang biktima na tinamaan sa ulo na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Agad nagsagawa ng dragnet operation para sa pagkakakilanlan at pag-aresto sa mga suspek.

AUTHOR PROFILE