Posas

Lalaki nagnenok ng P2K sa tindahan, kulong

November 1, 2023 Steve A. Gosuico 192 views

CARRANGLAN, Nueva Ecija – Nasakote ng pulisya ang isang 22-anyos na lalaki dahil umano’y pinwersan nitong buksan ang isang tindahan at nakawin ang P2,000 na pera sa loob ng cash drawer dito Miyerkules ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, sinira umano ng suspek na residente ng Bgy. Kita-Kita, San Jose City, ang sahig na gawa sa kahoy ng tindahan sa Bgy. D.L. Maglanoc ala-1:30 ng madaling araw bago binuksan ang cash drawer at nakawin ang P2,000 cash sa loob nito.

Sasampahan ng kasong robbery ang naarestong suspek, ani Nueva Ecija police chief Col. Richard V. Caballero.

Samantala, nagsagawa ng manhunt operation ang Talavera police sa Bgy. Valle alas-10:50 ng umaga at inaresto ang isang 33-anyos na babae na may nakabinbing warrant of arrest dahil sa reckless imprudence resulting in physical injury na inilabas ng local court na may inirekomendang piyansang P30,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Sinabi ni Caballero: “Bagaman karamihan sa ating mga tauhan ay naka-deploy sa mga sementeryo, makatitiyak na maaari pa rin nating isagawa ang regular na operasyon ng pulisya ayon sa mahigpit na direktiba ni Police Regional Office 3 director Brig.Gen. Jose S. Hidalgo Jr. para matiyak ang mapayapang Undas 2023.”

AUTHOR PROFILE