Crime

Lalaki nagbenta ng droga sa pulis, tigok

October 3, 2023 Melnie Ragasa-limena 206 views

PATAY ang isang lalaki matapos barilin ng pulis na binentahan niya ng droga sa tapat ng isang bar sa Quezon City Martes ng umaga.

Idineklarang dead-on-arrival sa Novaliches District Hospital ang biktimang si Chrismel Serioso, 29, matapos magtamo ng isang tama ng bala sa katawan.

Nasa kustodiya naman ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District si PCPL Edwin Rivera, naka assign sa Regional Mobile Force Battalion-National Capital Region.

Nangyari ang pamamaril bago mag 5:00 ng umaga sa tapat ng Spotlight Beer Bar and Cocktail Lounge sa Novaliches, Quezon City.

Ayon sa mga saksi, nakita nila na hinuli ni Rivera ang biktima pero nagtangka umano ang biktima na makahulagpos sa pulis hanggang sa magpambuno ang dalawa.

Nang makakuha ng tiyempo, nagtangkang tumakas ang biktima pero agad na binaril siya ng pulis.