Default Thumbnail

Tibo, dyowa nagwalwal sa resto bar swak sa selda

October 3, 2023 Edd Reyes 188 views

SA selda ang bagsak ng isang tibo at kanyang dyowa nang mag-walwal sa resto bar Lunes ng madaling araw sa Malabon City.

Kinilala ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station-3 ang tibo na 29-anyos na itinago lang sa alyas “Joy,” ng Brgy. Baritan.

Kinilala naman ang kanyang dyowa na si alyas “Mina,” 24, ng Brgy. Flores.

Naaresto ang dalawa makaraang ireklamo ng may-ari ng Medusa’s Lair Grill and Resto Bar sa 141 Delucio Compound, Panghulo Road, Brgy Panghulo nang pagbabanta at panggugulo.

Nabasag ang mga bote ng alak na nakasalansan sa labas ng establisimyento dahil sa pagwawalwal ng dalawa, ayon sa complaint.

Sa ulat na ipinadala ni P/SSg Bengie Nalogoc kay Malabon police acting chief P/Maj. Alfredo Agbuya, Jr. nagwalwalan ang magkasintahan, kasama ang kaibigan at kapatid na lalaki ni Joy, na inabot ng madaling araw ng Lunes.

Matapos makainom ng ilang beer ang grupo, nakipagtalo si Joy sa ilang customer na nasa kabilang mesa bunga ng kalasingan dakong alas-4:40 ng madaling araw.

Doon na sila hinimok ni Annabelle Lozada, 45, may-ari ng resto-bar, na bayaran na ang mga nakonsumo at umalis na para walang gulo.

Binayaran naman ng grupo ang nakonsumo at lumabas na ng resto bar subalit hindi pa nakalalayo nag-away na naman hanggang magkasakitan ang magkasintahan, dahilan upang umawat ang kapatid na lalaki ni Joy.

Sa gitna ng kanilang pag-aaway, nagtalsikan ang mga basag na bote hanggang tamaan sa mukha ang umaawat na kapatid na lalaki ni Joy.

Ayon sa may-ari ng resto bar, pinagbantaan pa siya ni Joy na papatayin kapag may nangyaring masama sa kanyang kapatid na isinugod sa pinakamalapit na ospital.

AUTHOR PROFILE